▪ Our site visitors view on the news and information posted on this site ▪

 

feedback 12...

Subject:   To all Samarnon
Name:   Bubbles
Address:   Dallas, TX, USA
Email:
Date:   09-17-09

To All Samarnon we should read and bear it in our mind the message of Mgen. Tabaquero, it's really serious matter to protest against killing of our home town. Let us all wake-up, we want peace, and a New amendments in this town.

Why we can not solve the killing problem of our beloved town? Because some of us is afraid to oppose the enemy. Why we can not dispute? Because we don't want to listen. To all Samarnon not only the government's job to fight the violence, the killing. But we (ordinary people) can do something to stop this killing in our home town.

Let's we all involve or participate. People who support this NPA is also a killer, a demon, a terrorist. They don't have rights to killed people. So please to all samarnon, support Mgen. Tabaguero. Read his message with your heart. It might waking-up. I salute you Mgen. Tabaguero you are truelly great soldier. MAY THE ALMIGHTY GOD BLESSED AND GUIDE YOUR TROOPS TO FACE THE ENEMIES.

horizontal rule

Subject:   Ako'y Malungkot Pa rin
Name:   Omar Gabrito
Address:   Riyadh, Saudi Arabia
Email:   ogabrito@yahoo.com
Telephone:   0501059126
Date:   09-16-09

Ako’y Malungkot Pa Rin
Ni Omar E. Gabrito
Riyadh

Ako’y natutuwa at kumakabog ang dibdib
Dahil muling nababasa mga tulang nakakaakit:
Mga taludtod ay may linyang parang umaawit
Na nagdudulot ng kasiyahan sa buong daigdig!

Ito’y ipinagpapasalamat ko sa mga kababayan
Na siyang nagpadala sa Samar News na inaabangan
Kahit papaano , bawa’t OFW ay naliligayahan
Sa indayog ng salita na lubos na kinagigiliwan!

Dahil mga kababayang makata ako ay inaaliw
Sa pamamagitan ng salita’t taludtod na umaawit;
Kaligayahang dulot ay hindi ko lubos na malirip
At kahit na ‘di magaling ako’y napapatula rin!

Pero kung malungkot ang tulang aking ibabahagi
Huwang sana ninyong ikagalit at sa akin ay isisi
Kung bakit mga linya ay punong-puno ng pighati:
Buhay ko’y malungkot bagama’t walang sinisisi!

Napakalalayong lugar ang aking pinuntahan
Sa aking paghahanap sa kinaroroonan mo, hirang
Maraming hilahil at sama ng loob ang dinanas
Pero ang lahat ng mga ito ay aking kinalimutan!

Sa aking kapaguran ako’y matamang nakinig
Sa mga masasayang ibong sa sanga’y umaawit
Sa aking kalungkutan ako’y lubusang naaaliw
At panandaliang ikaw, giliw, ay nawala sa isip!

Sa masaya at matining nilang tinig ako’y nalibang
Masasayang sandali ay nanahan sa pagal na isipan
Upang pighati at hilahil ng buhay ay makalimutan
At sumaya ang pusong bugbog sa kasiphayuan!

Ako’y nagmahal sa isang dilag na walang kawangis
At ang maaaring pagkasiphayo ay hindi ko naisip
Buong puso at katauhan ibinuhos sa dilag na inibig
Pero sa hindi malamang dahilan siya ay umalis!

Mula noon buhay ko ay lubhang pumanglaw
‘Di naglaon sa lahat ng dako siya’y aking hinanap
Pero ako’y bigo dahil ‘di natagpuan si mahal
Hanggang igupo ako ng pagod at kalungkutan!

Sa lugar na pinagkilanlan namin ako’y bumalik
Baka sakaling muli siyang sasagi sa paningin.
Ako’y nagtatanong at bumubulong sa hangin
Na iparating ang pagmamahal ko sa aking giliw!

Wala akong inisip kung hindi ang nililiyag
Na sana ay ipaalam ang kaniyang kinaroroonan
Mahabang, mahabang panahon ang lumipas
Ako’y nagtiyaga at walang sawa sa paghihintay!

Pagtatangi ko sa kaniya ay walang sawang dinilig
Ng pag-asa na balang araw siya ay babalik
Nagpupunta ako sa dalampasigan kapag takipsilim
Pero ang nakikita ay mga uwak sa papawirin!

horizontal rule

Subject:   Letter to the Editor
Name:   Kristina E Herrera
Address:   Catubig, Northern Samar
Email:
Date:   09-13-09

Dear Editor,

Magandang araw.

Noong linggo lamang ng pumutok ang balitang pinatay si Rev. Fr. Cecilio P. Lucero ang isa sa mga Pari dito sa Catubig, Northern Samar. Buong bayan nagluksa sa kanyang pagkatamay. Hinaing lamang ito bilang isang residente sa bayang ito, masakit para sa amin ang mawalan ng isang Ama sa bayang ito, marami na siyang naitulong sa amjng bayan. Siya ang Chairman of the Diocesan Committee on Human Rights at iginalang ng lahat.

Sa kanyang pagkamatay marami ang naghinagpis, isang malaking kawalan sa aming bayan si Rev. Fr. Cecilio P. Lucero. Maraming katanungan sa aming isip kung bakit pati pari ay kanilang pinapaslang, mga armadong kalalakihan, mga sumasalungat sa ating pamahalaan, na kung kanilang pagsusumahin isa lamang ang ating bayan at kailangan nating magkaisa. Sana naman maisip ng mga bandido o ng mga NPA na may Diyos tayo na siya lamang ang may karapatang kumitil sa ating buhay. Sana matakot rin sila sa Diyos, may kanya-kanya tayong paniniwala at sana igalang nila iyon, ang pumatay ng kapwa niya ay isang napakalaking kasalanan. Kung may ipinaglalaban sila hindi na nila dapat mangdamay pa ng mga inosenteng tao at isa pang Pari na ang tanging misyon ay ipamulat sa atin kung ano ang pakay ng Diyos para sa atin.

Ang tanging hangad lang naman namin ay ang magkaroon ng katahimikan sa aming bayan pati na rin sa buong bansa. Masarap maglakad na walang kinatatakutan, na hindi ka nababahala sa iyong kapaligiran. Ang pagkakaron ng tahimik na buhay ay siya naming tanging hangad.

Maraming salamat at mabuhay ang iyong pahayagan.

Gumagalang,

Gng. Kristina E Herrera
Catubig, Northern Samar

horizontal rule

Subject:   Capital Letters, maaring galit o Sumisigaw
Name:   Omar Gabrito
Address:   Riyadh, Saudi Arabia
Email:   ogabrito@yahoo.com
Telephone:  0501059126

Capital Letters, maaring Galit o Sumisigaw
Ni Omar Gabrito/Riyadh, Saudi Arabia

Maghapon sa trabaho at pag uwi ng bahay ay walang sawang binabalik-balikan ang laptop para bulatlatin ang mga emails na dumarating. Libangan nga naman ng mga Pinoy na tunay at hindi nakakasawang tuklasin ang mga nakatagong kaalaman sa internet. Isang halimbawa dito ay email. Paano bang gamitin ito? Batid ng marami na ang pagpapadala ng email ay may mga "etiquette rules" ayon sa katayuan ng tao o dili kaya trabaho. Ang email ay gaya ng postcard at iba kung ihahambing natin sa ordinaryong sulat.

Ang email ay makikita na may pangalan kung saan nanggaling o patungo, may cc, subject, attach at bcc. Ang mga ito ay may kanya-kanyang kaparaanan kung paano gamitin. Kadalasan ay ginagamit ang Cc para sa gustong padalhan maliban sa To: (addressee). Ito ay makikita ng pinadalhan ang mga tao na naka Cc ganoon din siya. Maliban lang kung gagamitin ang Bcc, na ito ay makikita lamang ang pinanggalingan at hindi ang mga pinadalhan. Hindi gaya ng Cc.

Ang pagpapadala ng email ay kailangan maiksi o concise ang message para may ganang basahin ang email. O sa English ay "be concise and to the point". Mahirap magbasa ng email kung mahaba lalo na kung sa screen. Karamihan na kapag mahaba ang sulat ay agad na tinitingnan lamang ang subject at sabay delete. Yong iba naman ay sadyang kinukopya lamang ang mga sites o links at saka i pi-paste at bahala na ang pinadalhan magbukas kung intiresado sa topic. 'Wag kalimutan mag lagay ng space sa pagitan ng paragraph.

Mainam na iwasan gumamit ng capital letters sa email text lalo na kung kayo ay secretary sa isang kumpaniya. Ito ay may ibang kahulugan na maaring galit o sumisigaw.

Kadalasan ay gamit ang kumpaniya sa pagtanggap at hatid ng kanilang mga email, ma personal o business. Dito ay ingat sa pagpapadala ng email baka ang mga files na naipadala ay may virus na pati sistema ng computer ay tuluyang bumagsak at kayo pa ang pagmulan ng sisi. Ang mga kumpaniya ay gumagamit ng "disclaimers" sa mga internal o kaya external emails, kung saan ligtas o umiiwas sa mga liability.

Dapat iwasan na huwag i-copy paste o kaya attach ang mga bagay na walang permission sa nagpadala. Ito ay maari kayong malagay sa alanganin na maaring infringing on copyright laws.

Ayusin ang mga tuldok, comma, at grammar bago ipadala ang email para hindi ibalik at makapagbitiw ng mga maaanghang na salita ang nakatanggap. Iwasan mag sulat ng mga confidential o personal na bagay, ito ay maaring ipasa sa ibang tao na walang nakakaalam at gawing ibidensya laban sa nagpadala.

Kung ang email ay para lamang sa isang particular na tao ito ay hindi maaring ipasa kahit kanino na walang pahintulot sa may ari. Magka ganoon man kung ito ay ipapasa sa iba ay malinaw na hindi na ito saklaw ng sender bagkos may pananagutan ang pangalawang nagpadala o nagpasa at siya ay nagkasala ng sinasabing secrecy of communication law.

Ang sulat, na kapag binuksan ng ibang tao maliban sa addressee ay may pananagutan ang nagbukas. Walang disiplina ang tao kung kaniyang gagawin ito. Dito ma sulat o bagahe ay kailangan na magkaroon tayo ng konting disiplina sa pagbubukas. Huwag buksan ang sulat, bagahi, package kung hindi nakapangalan sa inyo. Maliban kung walang pangalan o kaya mapanganib ang loob.

Kapag ibinalik ang email ay maaring ayaw o dili kaya busy ang pinadalhan. Maaring walang gana o sabihin na maghintay lamang at sa susunod kana.

Maari din mag attach ng file o kaya picture sa email pero kailangan na ito ay naka address lamang sa tao na padadalhan at huwag ipadala sa mga address na hindi kakilala. Ito ay maaring ika-surprisa ng ibang tao lalo na kung hindi sila ka anu-anong tao.

Iwasan gumamit ng send to all o dili kaya copy paste sa mga address. Kung ayaw ninyong makita ang mga email address ng ibang tao ay gawin ang bcc. Gawing paisa-isa ang paglagay ng mga padadalhang tao. Kung hindi kailangan ay huwag padalhan. Lagi i-review ang mga naka-add doon sa address list kung sino-sino sila at kung hindi kakilala ay burahin agad.

Huwag gamitin ang email sa pag-tukoy ng mga confidential na informasyon. Gaya ng personal na buhay ng mag-asawa at mga sinsitibong bagay. Mas maganda kung gagamit ng mga mahahalagang topic na may idudulot sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Huwag gamitin ang mga email address ng tao kung walang pahintulot sa nagmamay-ari. Kung gusto ninyo sila i-add sa listahan ng inyong mga kaibigan ay huwag mag lagay ng pangalang nakakasakit. Halimba: Mrchong@yahoo.com at pinalitan ng Darna. Mas kaaya-aya kung pangalan din ang ilalagay.

Kung ayaw ninyong tumanggap ng mga unknown emails ay madali lamang ang sulosyon diyan. May option sa bandang itaas at pwede ninyo silang i-block.

Maaring kunin ng ibang tao o grupo ang mga email address at ilagay sa kanilang group list at sabihin na marami silang members. Pero iyan ay walang asal na mali ang kanilang ginagawa. Walang malay ang ibang tao na bakit nakakatanggap ng mga emails na hindi naman sila nagpa member sa ganoong grupo. Iyon pala ay kinapi paste na ang kanilang address doon sa kanilang group list. At kung gusto ninyo mag reply o post ay doon lamang sa kanilang iisang address dahil kayo ay naka Bcc nang pinadalhan.

horizontal rule

Subject:   Rude intellects
Name:   Padre
Address:  Darahuway
Email:
Date:   Sept 10, 2009

Dinhe ta hibabaruan, nga damo gud kaupay an mga baltok nga mga igkasi ta waraynon. Mapa langyaw o ha yubar, purbida...di na gadman intawon mga utok bulinaw.

Unta, an mga kabaltok ipahimutang o gamiton ha kaupayan. An mga pulong unta himu-on nga aksyon. Waray man hinanabo kon puro la putak. Karag la iton mga kabaltok kon ngada pagkalalagas niyo amo la kamo hito pirmi.

Imbes nga magpinaki-unot ngan manlabay hin mga pulong nga diri angay pamati-on, mag baro-balyo na daw la kamo hin ideya kon papaanhon makakabulig ha iyo mga kablas nga kabugtuan dinhe sa Samar.

Alayon pagkaluhod...

horizontal rule

Subject:    Pananaw sa Pagkamatay ni Father Cecilio Lucero
Name:   Omar Gabrito
Address:   Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia
Email:   ogabrito@yahoo.com
Telephone:   0501059126

Magandang Ugnayan ng mga Taga Samar
Ni Omar Gabrito/Riyadh, Saudi Arabia
ogabrto@yahoo.com

Ang tao ay binigyan ng Diyos ng pag-iisip o kaalaman, lakas, at pagsupil sa sarili (self control) sa mga bagay-bagay na dapat lutasin para makamit ang kaligayahan sa buhay. Ang mga aspetong ito ay dapat pairalin ng tao nang sa ganoon ay hindi mapahamak sa mga problemang dumarating. Ang mga pagsubok sa buhay, pamilya, kababayan, at bansa ay malulutas kung ang mga ito ay makikita sa isang tao.

Ang mga suliranin sa buhay, mga pagkukulang ng tao sa gustong matulungan ay maituturing sila na mga kababayan, kapatid at kaibigan. Kaibigan na may halong pag-alinlangan sa katotohanan na nakalukop sa mundo ng pagkukunwari para magkasundo sa isa’t isa. Ang pag harap sa katotohanan ay mananaig sa sarili na ito ay kanyang paninindigan kahit saan man makarating, sapagkat ayon sa kasabihan ang katotohanan ay siyang tulay upang ang bawat isa ay magkasundo.

Ang magandang ugnayan ng tao ay nagbubunga ng magandang kinabukasan sa ating sarili, pamilya, at sa susyodad. Ito ang nagbibigay ng lakas ng pagkakaisa na magtulungan sa mga problemang ikinahaharap ng sinomang tao. Lalo pa’t kung magkalayo ang bawat isa, na ito ay maiisip-isip kung bakit tayo'y nagkaganito. Minsan tulala ang mister o kapatid sa sobrang pag-aalala sa kanyang pamilya at ganoon din ang mga anak na hindi mapalagay sa kanilang ina na napalayo sa kanila. Walang ganang kumain, hindi makatulog at wala sa sarili. Kung iyong tatanungin ay sasabihin sayo na wala lang pare kaya ko ito. Pero sa saloobin ay may hinanakit na hindi mailabas. Kaya kung minsan ay tolero habang kinakausap.

May mga taong gumaganti sa problema, nakikipagpatayan at nakikipaghamonan. Ngunit ito ay walang mangyayari kung papairalin natin ang ating sarili sa hindi pagkakaunawan. Mahirap man tanggapin sa sarili na tayo ay nagkulang pero nariyan parin ang sinasabing bonding of good relationship. Sabi nga ng iba ay sa hirap at ginhawa tayo ay magsasama, sa madilim at sa maliwanag tayo ay magkakaisa.

Ang mga problema ay malulutas sa magandang kaparaanan at pagkamahinahon, sa pamilyang magulo ay may pagkakasundo sa lamig ng ulo tayo’y magkakaisa. Ganyan ang turing sa ‘di pagkakaunawan sa problemang umukit na hindi inaahasan.

Ang paghingi ng payo sa mga kaibigan ay nararapat lamang na tanggapin na ito’y susuklian din ng kaliwanagan sa problemang idinadaing. Hindi natin pinagkakaila sa Dios na tayo ay tao lamang, na minsan ay nagkulang din sa ating mga responsabilad sa asawa’t mga anak, mga biyanan at kamag-anak, mga kabitbahay at sa sosyodad. Ngunit ang pagpapakita ng kagandahang lood sa bawat isa ay hindi nawawala. Nariyan parin ang magandang ugnayan na hindi makakalimutan.

Ang magandang pagtitinginan sa bawat isa ay mamamayagpag at ipagmamalaki sa anong bagay na ikabubuti ng simbahan, paaralan, lipunan, leader ng mga organisasyon, pamilya, maliit man o malaking problema ay tiyak na malulutas at magkakasundo.

Ang relasyon - halimbawa ng mga pari, guro, magulang at anak ay dapat na ito’y pangalagaan, sa katuwiran, at pagtitinginan. Kapag ‘di napagbigyan ang anak ay maaring ikasama, na ito ay maaring maglayas at malolong sa masamang bagay. Ngunit dito’y malalaman ng mga magulang na dapat timbangin ang kanilang sarili na sila ay nagkulang sa kanilang unang responsabilidad. Alalahanin natin na tayo ay may reponsabilidad sa kanila sa ano mang mangyari sa anak ay pananagutan parin ng magulang. Kaya malaki rin ang tatanawin dito na magpakumbaba ang magulang sa anak, na hanggang sa humantong sa pagkakaigihan ng bawat isa.

Mapalayo man ang anak, magulang hinahanap hanap. Ang anak gaya nito, ay hindi ipinagkakaila na sa oras ng kanyang kagipitan ay hahanapin parin sa tuwina ang kanyang mga magulang at kapatid ganoon din ang kanyang magulang na puno ng pag-aalala sa anak.

Ang isang mag-aaral halimbawa ay minsan hindi naipapaabot ng diretsahan sa kanyang guro ang kanyang problema, na ito ay nalalaman ng kanyang magulang. Dito ay makikita na ang magulang ay gumagawa ng paraan upang kausapan ang guro tungkol sa problema ng kanyang anak, at sa ka na lang makikita na ang anak ay nagkulang sa guro. Sa Pilipinas, halimbawa- may sinasabing guro na mabagsik daw kaya ito ay nilalayuan ng mga mag-aaral. May mga guro naman na maka tao ang dating sa mga mag-aaral. Pero kung ikukumpara ang kanilang responsabilidad ay iisa lamang. Ang gurong mabagsig sa paaralan ay mapapansin natin na konti lamang ang kumukuha ng subject na kanyang hinahawakan. Dito mapapansin ng Dean na may problema ang guro kaya naman kung minsan ay nagra-rally ang mga mag-aaral na mapatalsik ang guro. Minsan umaabot pa sa Dean ang problema.

Kaya naman ang hindi pagkakaunawaan sa magkabilang panig ay nagdudulot ng bunga na hindi maganda sa eskwelahan, simbahan at sosyodad. Ang paghingi ng payo't tulong sa mga expert, pag-uusap sa magkabilang panig ay nararapat upang ang problema ay ilagay sa isang tabi at pag tuunan ng sulosyon ito. Kalimutan ang alitan sa bawat isa at harapin ang bagong hamon ng buhay na magkasundo ang mga pinuno, pari, magulang, guro, lider ng mga grupo at iba pa, nang sa ganoon ay may magandang ugnayan. Sabi pa sa kasabihan ay nawa ang kapayapaan ay sumainyo.

Ang pagkamatay ni Fr. Cecilio Lucero ay nagbigay kulay sa relasyon ng bawat isang Samarenos upang makita ang kaniyang hinanakit sa taumbayan, mahirap o mayaman ay ngayon ang sempatiya sa kanya. Ano pa't nagkaganito ang buhay ng tao? Sadya bang ibuhos kung kinakailangan? Magkaisa at talikuran ang hidwaan. Alisin ang mga makamundong hangarin at iwaksi ang masasamang adhikain. Tayo ay isinilang na walang masamang pagtitinginan ngunit napapasama lamang sa mga dikta ng ibang tao na ito'y hindi sadyang paniwalaan. Magkaroon ng sariling accountability at tingnan ang buhay na hindi kanais-nais. Magbago, hanggat sa supling ng sandali ay ganito nalang ba?

Karumaldumal man ang kaniyang pagkamatay, ay sa tingin ng bayan ay siguro mayroon din naman siyang konting ipinaglalaban na sumusunod lamang.

Mga taga Samar didi ha Saudi Arabia ay nakikiramay kay Father Cecilio Lucero sa kaniyang pagkamatay. Nawa ay makarating ng masagana sa ikalawang buhay. Paalam Father Cecilio. Naway ang awiting "You Raised Me Up" ay dumaloy sa isipan ng mga mahihirap na kabataan ha Norte san Samar.

Siguro naman panahon na para magbago, talikuran ang alitan at isulong sa sambayanang Pilipino na tayo ay nag-iisang lahi, ang dugong bughaw na nananalantay ang pagkaka-isa. Huwag matakot sa tao bagkos matakot sa Dakilang Lumikha. Mabuhay!

horizontal rule

Subject:   To Salvador Cerbito a.k.a. Samarnon from Canada
Name:   A. Morales
Email:
Date:   4 Aug 2009

Wow, I was able to flush the feces from the toilet when I posted a reply on the observation of Salvador Cerbito. I did not know that Salvador and Samarnon from Canada are one and the same but apparently they are.

First, the way you responded to my reply was not responsive to the points I have raised. Instead, you tried to paint generic "holier than thou" attitude reminiscent of religious bigots and zealots.

Come on, just answer the points that I have raised. If sex is merely for procreation, did you answer the questions I have asked? No, instead you use a fallacious argument of generalization. Just be frank, Mr. Cerbito or Mr. Canada, do you have sex merely for impregnating your wife?

Second, I don't keep a tab on how many times I post a comment here or check whether I won or lost an exchange of idea. My challenge is for my protagonist to merely answer my questions and try to convince me that their points of view are worth pondering. Cut the shit about talking who has the right to interpret the Bible. I will not relegate my salvation on biblical zealots like the two of you. Sorry for the word zealot being used, it also just happened to be the title of Judas the Iscariot.

Third, who is interpreting the Bible out of context, me? Isn't it the domain of close-minded "holier than thou" religious rightists and fundamentalists like the two of you? Well, if you think that procreation is the main reason why people exist, then what is our difference to animals? The underlying condition sine qua non before one could multiply is to be fruitful. "Be fruitful and multiply" is far better than merely "Go and multiply." And, to you being a contextual interpreter, here is your own pitfall, you said: "You must remember that when God gave this commission to Adam and Eve, it was given before they fell into sin. Everything is being provided for by God during this time." So, if that is the case then why are you still preaching "Go and multiply" now if you think that it only applied to Adam and Eve during their stay in the Garden of Eden prior to their banishment into the "real world" of hard work and sinfulness. Therefore the logical conclusion of your line of thinking is that the "go and multiply" theology ceases to have meaning once they (Adam and Eve) got out of the Garden of Eden because not everything is provided for them, right? See, that is an example of your irrational "contextual" blunders. Whereas, the "be fruitful and multiply" is applicable whether Adam and Eve are in the Garden of Eden or out of the Garden of Eden or even applicable to us know in the digital age. So please, don't try to use "contextualism" when all you know is fundamentalism.

Lastly, I'd rather use my secular intelligence to perceive things than think parochial. A christian faith that is close-minded and fundamentalist is no better than the faith of Islamic jihadists. Talking about religious terrorists? Well, they are one and the same.

So, if you want to be wise and intelligent, as you want us to believe you are, open your minds to criticism and prove your worth. Otherwise, it is better to plant a kamote!

horizontal rule

Subject:   Mr. A. Morales' Comments on Mr. Salvador Cerbito
Name:   Samarnon of Canada
Address:   Canada
Email:   samarnonk@yahoo.com
Date:   31 Jul 2009

First of all, Mr. Morales, I want you to know that I am not a religious zealot. I am a christian the Biblical way. To me, the Bible is holy and they are the words of God and should not be dragged in here. Much more that you will use it to show you eloquence and vocabulary. Not much with your analogies because I am not impressed at all.

I am reacting to your article not because you are being rude and sarcastic to Mr. Salvador Cerbito but because you are AGAIN wrong in your interpretation and analogy of the Holy Scriptures.

You quoted Genesis 1:28 and tried to interpret it wrongly. The multiplication, fruitfulness and replenishment are all meant to procreation and moving around the earth. You must remember that when God gave this commission to Adam and Eve, it was given before they fell into sin. Everything is being provided for by God during this time. That's why if you will to continue reading verses 29 and 30, you will see God's provision for them.

Again Mr. Morales I will say that you are interpreting the scriptures out of context.

If you will remember not long time ago you tried to use the same analogies on scriptures by trying to explain them using your secular intelligence (scroll back the messages in the Message Board). If I remember right, I gave you two strikes already using your own analogies. This time I guess you are already struck out so to speak. So I will suggest that you stay away from interpreting scriptures because I don't think you have the authority on this matter.

A wise man knows his limits. A person can be intelligent and not be wise.

horizontal rule

Subject:   Salvador Cerbito's Ascerbic Comments
Name:   A. Morales
Email:
Date:   July 25, 2009

Salvador needs to caution his wanton ignorance of the issue on reproductive health with proper and balanced study of the facts surrounding the issue. He cloaks his ignorance with some articles that are patently biased against artificial contraceptives. Contraceptives are not per se evil as Salvador wants us to believe.

The article in itself said that some contraceptives could be carcinogenic but it did not say all or every contraceptive. Generalizations are erroneous and dangerous. Instead of Salvador preaching us about the evils of contraceptives, can he please provide us some practical solutions to the growing number of filipinos who do not have food to eat, roof over their heads, clothes over their bodies, and education inside their brains? It is easy to preach about abstinence as the only acceptable mode of birth control especially if preached by people who have vowed abstinence as a way of life. If sex is only for procreation as Salvador wants us to believe it is, then can he say how many kids does he have? Say if he only had 2 children or 1 child, can he say with firmness in his heart that he only had sex with his wife for 2 times or one time in his lifetime? Can you say that to people who are getting married that sex is only for procreation so if you want to have 1,2,3, or 12 kids that they should plan their sexual encounters carefully in the next 50 years of their married life?

Come on Salvador, the problem with those with myopic views is that they use biblical verses to suit their hidden biases without getting the message into their proper context. Gen.1 verse 22 says "And God blessed them, saying, Be fruitful, and multiply, and fill the waters in the seas, and let fowl multiply in the earth." Gen. 1 verse 28 says "And God blessed them, and God said unto them, Be fruitful, and multiply, and replenish the earth." Gen. 9 verse 1 agains says "And God blessed Noah and his sons, and said unto them, Be fruitful, and multiply, and replenish the earth." And on Gen. 35 verse 11 "And God said unto him, I am God Almighty: be fruitful and multiply." See the problem with those so called fundamentalist theologians is their emphasis on "Go and multiply" theology without first reading the basic premise that one must first be fruitful so he could go multiply and replenish the earth.

How can one be fruitful? Being fruitful is being useful. Having work, having income, doing something useful for the benefit of the society is being fruitful. When you simply multiply in numbers but do not increase your productivity or usefullness, then you are missing the point espoused by the Bible. Oftentimes we forget that the Bible also tells us to replenish the earth which means to say that we have to be good stewards of the earth's resources. Having so many kids that you can't afford to support so they could have decent and productive lives is not only an affront to the teachings of the Bible but also a violation of the very tenets of each person's right to life. What is life for human beings? Is it mere existence like that of the other animals? Right to life should be qualified to mean right to a decent life. When you see kids in Payatas eating garbage, when you see teenage moms use their babies to ask for alms in the streets, when you see people living under a bridge or shanties like rats, what kind of life are you talking about? If we are made in the image of God then we should uphold human dignity and decency.

And, abortion while generally should be discouraged or frowned upon should be allowed in extra-ordinary cases like incestuous pregnancies and pregnancies due to rapes. Instead of merely demonizing abortion, why can't Salvador and his fellow fundamentalists encourage adoption especially if the mother is not ready to care for her baby. To me, there is no hard and fast rule about life. I like the motto of the Disciples of Christ: "No law but love; No creed but Christ." When you focus more on letting the spirit of the biblical injunctions to live rather than allow the letters to kill the true intentions of the biblical passages then you are better guided and better equipped to decide.

I know that this comment can open a Pandora's box but I better said these now than allow some religious zealots to once more curtail the true meaning of the written words of God.

I am open for a rejoinder on this.

horizontal rule

Subject:   RH Bill 5043
Name:   Salvador Cerbito
Address:   Punta Princesa, Cebu
Email:   salvador_ofm@yahoo.com
Telephone:   09215855552
Date:   07/21/09

Sa ngatanan nga mga kabugtuan sa Samar. Paglikay sa Panulay. An Yawa makamaratay panlimbong sa katawhan. Please read this article the truth about contraception and abortion before you support this bill.

Contraceptives Classified as Carcinogenic
8/12/2005

Scientific research demonstrates that some contraceptives cause cancer.

In a report issued on July 29, 2005, the International Agency for Research on Cancer (IARC), a division of the World Health Organization (WHO), classified some contraceptives as carcinogenic to humans. Combination estrogen-progesterone contraceptives, which are the most commonly prescribed, have been found to cause breast, cervical, and liver cancer. In response to the scientific research on these drugs, the IARC has given these contraceptives the highest carcinogenic rating, the same classification given to asbestos and smoking tobacco.

However, while the IARC and WHO consistently recommend people avoid smoking and prolonged exposure to the sun (ultraviolet radiation is classified lower than these contraceptives), they do not recommend that women avoid these contraceptives. Instead, they recommend that “each woman who uses these hormonal products discuss the risks and benefits with her doctor, taking into consideration her personal circumstances.”

The medical community overall has been quick in the past to dismiss the dangers associated with contraceptive medicines. Contraceptive drugs are known to cause permanent infertility, heart attacks, and blood clotting. The recently released “day after” pill emergency contraceptive has also been linked to several deaths.

Medical risks aside, contraception has very serious moral and social consequences. As discussed in our FAITH FACT “Choose Life That You and Your Children May Live,” under no circumstances is the use of contraception morally permissible. This infallible teaching of the Catholic Church flows from the natural law as given to us by God. As such, the teaching applies to all men.

“Let the children come to me; do not hinder them. It is to just such as these that the Kingdom of God belongs” - Jesus Christ

This is a picture of Molech, the ancient idol of the Ammonites to which infants were sacrificed by being thrown into the flames.

CONTRACEPTION IS EVIL, ABORTION IS MURDER

horizontal rule

Back Home  |  Send a feedback  |  Next