Kontra-SONA speech
Speech of Senate Minority Leader Alan Peter S. Cayetano
August 8, 2011
Sa
bayan ni Juan, may mag-amang magsasaka. Isang araw galing sila sa
pag-aararo. Naglalakad sila pauwi nang sinabi ng ama “Anak, sumakay ka
muna sa kalabaw dahil pagod ka na.”
Ngunit pagdating nila sa pangatlong bayan bago sa kanilang tinitirhan,
ang sabi ng mga nakatira doon, “Ano ba namang bata yan? May edad na
yung ama siya pa ang nakasakay.” Kaya ang sabi ng anak, “’Tay ikaw
nalang ang sumakay, hihilahin ko nalang ang kalabaw.”
Pag dating nila sa pangalawang bayan bago sa kanilang tinitirhan sabi
ng mga tao, “Ano ba naman klaseng tatay yan? What kind of father is
he? While he rides the carabao yung bata naman ang naglalakad.”
Kaya pagdating nila sa huling bayan bago sa kanilang tinitirang bayan,
ang sabi ng ama, “Anak, tayong dalawa nalang ang sumakay sa kalabaw.”
Pagdating sa bayan na ‘yon ang sabi ng mga tao sa bayan na ‘yon “Ano
ba naman ‘yang mag-amang yan? Buong araw ang kalabaw nag-aararo, yun
na nga ang bumubuhay sa kanila aabusuhin pa nila na pareho silang
nakasakay.”
Kaya bago dumating sa kanilang bayan, ang ginawa ng dalawa, pinasan
nalang nila ang kalabaw. Sabi po tuloy nung mga kapitbahay nila “Eh
tatanga-tanga pala itong mag-amang ito. Isipin mo mayroon silang
kalabaw, hindi nila sakyan. Pinasan pa nila at sa kanila nakasakay.”
We understand the feelings of the President when he asked us not to be
so negative, when he asked both his critics and the people to think
positive and to not always criticize.
Mr. President, that story is what the minority’s traditional
Kontra-SONA is all about this year.
Ours is not the task to be critical of the administration just for the
sake of criticizing. Ours is the task to point out where the
administration is missing out on the journey along the matuwid na daan.
We realize the President has spelled out his vision in some national
concerns, he has accomplished much, and we are here to push where the
vision is either absent or lacking, to push for a better roadmap or
blueprint and point out possible steps along the way. Where there is
none, we are here to recommend what we believe would be better for the
country.
Mr. President, criticisms are aplenty but at the end of the day it’s
the studied response that matters.
Mr. Senate President, esteemed colleagues, mga mahal kong mga
kababayan, our guests, ladies and gentlemen, magandang hapon po sa
inyong lahat.
With your permission Mr. President, I will proceed to do the task of
the minority group which is to present the other side of the coin.
Hindi mabubuo ang diskusyon o debate kung isang side lang ang
magbibigay ng State of the Nation. We need two sides of the debate to
be able to have a comprehensive understanding of the ‘true state of
the nation’ so that we can work together for the betterment of our
country.
Jeremiah 29:11 tells us “For I know the plans I have for you says the
Lord. Plans to prosper you and not to harm you. Plans to give you hope
and a future.”
The good Lord has a plan for us, we have a plan for ourselves, the
President has a plan for the nation. In fact, the framers of our
Constitution tried to articulate not only a plan – but it tried to
articulate the vision of the kind of society, the kind of Philippines
we should have as seen in the preamble of our Constitution, which
states:
“We, the sovereign Filipino people imploring the aid of Almighty God,
in order to build a just and humane society and establish a Government
that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good,
conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our
posterity the blessings of independence and democracy under the rule
of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality and
peace, do ordain and promulgate this Constitution.”
It has been a year since our president, His Excellency Benigno S.
Aquino III, first faced the joint session of the Congress of the
Philippines to outline his vision for our country.
A year ago, many of us were at a loss as to what precisely that vision
was. Nung unang SONA, maraming nagtatanong “Ano ba talaga ang vision
ng Pangulo?”
I am happy to note that the number of those who feel that way, one
year later, has considerably dwindled. Marami ang nalinawan sa vision
ng Pangulo pagkatapos ang kanyang pangalawang SONA.
By harping on the imagery of the ‘wang-wang’ which has now gone
silent, the president has pictured for us a Philippines that is slowly
but surely inching its way up and out of the doldrums, of a people
that are beginning to believe in their country – or, at the very
least, in themselves yet again.
It is important that as the elected officials of the land, we help
create for the public, our ‘bosses’, the environment where they can
believe again – believe both in themselves and in their country. I
posit that for them to achieve the latter they have to achieve the
former first. But to help the Filipino believe in himself requires
from all of us, his chosen representatives, a new energy and a new
determination to be his servant.
Mr. President, part of our role as the elected representatives of the
people, is to paint for them an image of a future they can adapt to
and adopt as their own. Trabaho po natin na bigyan ang ating mga
kababayan ng isang vision – to paint the vision of what we want the
Philippines to be in 2013, 2016, 2020. The year 2020 is symbolic
because it represents a perfect vision.
A picture of the future is important, if we are to effectively and
efficiently harness whatever meager resources we have in efforts that
bring us closer to that chosen future. As a country and as a people,
we do not have the luxury of time, nor do we have the luxury of
resources, in shaping up for the reality of life in the 21st century -
a reality which pits country against country, region against region,
even island province against island province in an ever-tightening
race for attention, resources and investments.
History in fact is unkind to us – for many times we have been seen as
a people who have squandered every opportunity that we have been given
to either stay ahead or jump ahead of the pack.
Now is our time Mr. President. Your election has brought hope. You can
unite the nation and lead the country to an unprecedented level of
progress and development.
But for now Mr. President, allow me to do my job as a member of the
opposition and the Senate minority. Allow me to ask some hard
questions. Pero para matandaan niyo po ang tanong na ito Mr. President
at para palagi natin itong itanong sa ating mga sarili, allow me to
ask for a more friendly or better voice to ask the questions:
Do you know where you’re going to?
Do you like the things that life is showing you?
Where are you going to?
Do you know?
We know that his vision is about the transformation of our society. He
pictured to us a bus na minamaneho ng former President Gloria
Macapagal-Arroyo. Isang bus kung saan ang nakasakay ay kilala sa
anomalyang ZTE, Fertilizer Scam, Hello Garci at sinisimbulo ng abuso
at sinisimbulo ng wang wang. They denied us a wonderful life due to
this wang wang.
So a President pictured his government to us as a bus that was
repaired, painted yellow, pinababa ang mga maanomalya at pinasakay ang
mga desente sa gobyerno, pinasa ang GOCC bill for example ni Sen.
Drilon sa Senado para ipakita na mayroong pagbabago.
Sinabi na itong bus na ito ay kailangang may matuwid na daan. We told
the people we will tread the right path and it will be the straight
path. Ang problema nagtatanong ang mga mamamayan, “Do you know where
we’re going to?”
I know the President has a vision. Part of his vision is shared in the
SONA. In private meetings he shared with us what he wants to do. But
when we say “Mr. President do you know where you’re going to?”, you
cannot simply answer us “I’ll do it my way.”
People have to understand what your vision is, what the blueprint is,
what the plans are, where the roadmap is leading to. Hindi pwedeng
suportahan ang vision kung di mo alam. Kung pupunta ka sa isang
plastic surgeon at sabihing “gusto kong maging gwapo or gusto kong
maging maganda, you have to give the doctor an idea of what you want
to look like so that ito ‘yong kokopyahin ng cosmetic surgery
professionals. Hindi pwedeng dadating ka lang doon at sasabihing
magandang Pilipinas.”
I do believe he has a vision and many plans but again, is it being
communicated? Is it being articulated? That’s why from a yellow bus sa
tuwid na daan, we’d like to see a bus that is united. A bus where we
have one people, one vision. A bus na malinaw sa lahat kung saan tayo
patutungo. So notice a background of a utopian society where you have
everything you’re looking for.
Mr. President, I think there are 7 questions to ask ourselves.
First, do we know where we are? We need to have a perfect vision of
what we want the country to be and where we want to go.
Second, we need to have a clear set of plans, blue prints or roadmap
of how we intend to achieve our vision.
Third, we need a factual understanding of where we are today.
Fourth, we need a clear understanding of our past.
Fifth, we need a higher standard of performance and a system of
feedback and monitoring.
Sixth, we also need an organized, pragmatic and systematic way of
fighting graft and corruption.
And finally, as a people and a nation, we need to be united in purpose
and direction to do all these with the aid of Almighty.
Let us a take a picture of the true state of the nation. Tingnan po
natin ang mga realidad. For the purposes of this presentation Mr.
Senate President, I will just pick out a few sectors in order to make
a point.
In the business sector of our economy, I would like to show you a list
of the most problematic factors for doing business in the Philippines.
Corruption, inefficienct government bureaucracy, inadequate supply of
infrastructure, policy instability o pabago-bago ng batas at ng
polisiya, tax regulations, etc.
In the area of education, Mr. President, out of 139 countries, sad to
say, number 69 po ang Pilipinas, Number 1 ang Singapore, 23rd ang
Malaysia, 40th ang Indonesia, 66th ang Thailand. Even the war-torn
Vietnam, which is fast-rising, is number 61. Nilampasan na po tayo ng
Vietnam. I’m comparing our country with our neighbors, and I will
explain this later,
Mr. President, but we have to have a higher standard. Huwag natin
ikumpara ang sarili natin sa mga bumabagsak. Ikumpara natin ang mga
sarili natin sa ating mga neighbors at ‘yung mga nauna sa atin.
Mr. President, in the quality of Math and Science education, out of
139 countries, we are number 112.
In terms of internet access of our schools, out of 139 countries, tayo
po ay number 76. Muli, number 5 ang Singapore, pang-36 ang Malaysia,
43rd ang Thailand, 49th ang Vietnam, 50th ang Indonesia, tayo po
number 76.
The state of our educational system, again, Mr. President, we must
come back to figures. Isa sa sampu na Pilipino never steps into the
school. Or 10% of Filipinos never pong nagkakaroon ng access sa
eskwelahan.
Sa isang daan po na pumapasok ng Grade 1, 86 lang po ang pumapasok ng
Grade 2. 76 lang po ang natatapos ng Grade 3. 65 lang po ang natatapos
ng Grade 6. 58 lang po ang tumutuloy sa high school. 43 lang po ang
gumagradweyt ng high school. 23 na lang po ang pumapasok sa college.
And only 14, labing-apat na lang po, sa isang daang Pilipino ang
nakakatapos po ng kolehiyo.
In the area of education innovation, out of the 9 countries of South
East Asia, pang-pito po tayo. In the area of primary education, out of
138 countries, number 99 po tayo. In the area of higher education,
number 68 po tayo out of 133.
Trends in Mathematics and Science, we rank 23rd out of 25
participating countries.
Yet, Mr. President, despite lack of facilities, low pay of our
teachers, despite the lack of funding, despite all of the statistics
I’ve given you, tuloy-tuloy na nananalo ng gold medal at iba’t ibang
award ang mga estudyante natin sa mga international competitions.
Despite all of this, Mr. President, pinag-aagawan ang mga
professionals ng Pilipino all around the world. Despite all of this,
we have an excellent labor force.
But, Mr. President, ano ba ang philosophy natin sa education? What do
we want to do? How do we solve the problems in education?
Mr. President, do you know where we’re going to?
Mr. President, let’s take a look at our shortages… mga kakulangan.
We lack 152 thousand classrooms. Hindi pa kasama diyan ‘yung dalawang
school year na idadagdag natin sa K+12. We are also short of 104
thousand teachers. Kulang po tayo ng 13 million na silya. Kulang po
tayo ng 96 million text books. Kulang po tayo ng 151 thousand
sanitation facilities.
Ito po ang summary ng mga kakulangan natin. Sa chart po pinapakita na
kapag po dinagdagan ng K+12, madadagdagan din ang pagkukulang.
Mr. President, in classrooms alone, computed at the price of P685,000
per classroom, we lack P104 billion.
Kung dadagdagan po ng senior year ang atin pong high school sa K+12
program, we need another P37 billion.
Kung titingnan ninyo, Mr. President, ang kulang po natin ngayon
without the K+12 is P149,744,703,840. If we add the K+12 requirements,
you’ll need another P58 billion.
Question, saan natin kukunin ang additional pa na P58 billion, for a
total of P210 billion to fund shortages alone?
The minimum budgetary requirement for education among the developing
countries is at least 20% of the total budget. The UN recommends a GDP
spending on education of 6%. The East Asia average GDP spending on
education is 3.9%. The Philippine spending on education in GDP is only
2.29%. Kulang na kulang po.
This year, for the education budget, we had a 16% increase, 85% of
which went to the salaries na kailangan na kailangan naman ng
teachers. But the fact remains that you still need P210 billion.
Mr. President, wala po dito sa figures na in Metro Manila alone,
marami po tayong eskwelahan na naka-double o triple shifts. Ibig
sabihin, may mga eskwelahan tayo na ang pasok 6-10, 10-2, at 2-6.
Question: ano ba ang philosophy natin?
Ang sinasabi ba natin kaya natin kailangan ng K+12 dahil kulang ang
oras ng pag-aaral ng bata? So if we add two years pero apat na oras
lang naman pala nag-aaral dahil kulang na kulang ang classroom at
teachers, we added two years of burden on the parents and the
students, pero from Grade 1-6 and from 1st year to 4th year high
school, hindi pa natin inaadress na ‘yung iba, apat-lima-anim na oras
lang nag-aaral. Samantalang ang mga private schools ay from 8:00
hanggang 4:00 o 7:00 hanggang 3:00.
Again, Mr. President, sinusuportahan ko po ang K+12. Sinusuportahan ko
ang ating butihing Secretary. But please explain to us what the
philosophy is. What is the strategy? Again, Mr. President, I’d like to
ask, do you know where you know where we’re going to? Do we know where
we’re going to?
Like on education,
we are also under-spending on the sector of health.
Compared to the other countries in Asia, the Philippines merely spends
3.8% of its GDP on health. Malaysia spends 4.8%, China, 4.5%, Vietnam
7.2%, Thailand spends 4.3%.
Sa mga pinapanganak sa Pilipinas, 62% are attended by healthcare
professionals. 44% lang po, halos kalahati, of total births are
delivered in health care facilities.
Sa paggastos po so health care, 54% po ang out of pocket expense, 26%
shouldered by the government, 8.5% ang PhilHealth, 8% po ang sponsored
by HMOs.
Paki-note po 54% ang out of pocket expense. This assumes na may pera
ang ating mga kababayan para sa gamot at iba pang gastusin sa
kalusugan. Only 17% of the poorest 20% of our population actually
avail of PhilHealth benefits which turns out to be the main solution
of our government to health care.
Another additional relevant statistic is that 32% of the richest use
PhilHealth. Bakit po ito nangyayari? Tatlo pong dahilan...
The poor have little access to pay for the balance after PhilHealth
coverage is deducted. Ibig sabihin po kung P50,000 ang budget para
ipagamot ang isang taong may operasyon at saguting ng PhilHealth ang
P15,000, ang mahirap po walang pagkukunan ng P35,000. So hindi na
gagamitin ang PhilHealth. Pero ang mayaman, hindi lang P50,000 kahit
P100,000 ang gamitin sa pagpapagamot, magagamit ang P15,000 ng
PhilHealth.
Pangalawa po, kahit na mababa lang ang gagastusin at kaya ng
PhilHealth there is an absence or inadequate number of PhilHealth-
accredited facilities.
And also lastly, until now, there is a perceived cumbersome procedure
for filing claims.
Out of the 409 municipalities and cities, 285 or 69.8% do not meet the
DOH standard for doctor to population ratio which is 1:20,000. Kulang
na kulang po tayo sa doctor.
237 out of 409 municipalities and cities or 57.9% do not meet the DOH
standard for midwife to population ratio of 1:5,000.
234 out of 409 municipalities and cities or 57% do not meet the DOH
standard for nurse to population ratio of 1:20,000.
Mr. President, do you know where we’re going to? Hanggang ngayon po
mahal ang gamot. Hanggang ngayon hindi pinapagamot ang maraming may
sakit dahil hindi alam kung saan kukunin ang pera. Hanggang ngayon ang
mga mayayaman lang po ang kumpleto sa access.
We have one of the best hospitals in Taguig. St. Luke’s is said to be
one of the best hospitals in Asia. Kung may pera ka walang problema.
Even if they have a lot of projects for the poor, Luzon, Visayas at
Mindanao, ilan sa kababayan natin ang nakakatikim ng CT scan, ng MRI?
Kung kailangan po nila ng transplant? Chemotherap? Dialysis?
Lahat po itong mga ito hindi naabot ng ating mga kababayan. Ano po ang
vision? Ano po ang plano? Paano natin magagampanan ang nakalaan sa
Konstitusyon na ang kalusugan ng ating mamamayan ay isang obligasyon
ng gobyerno?
Mr. President, do you know where we’re going to?
Sa peace and order, we rank fourth least peaceful country in Asia
Pacific following only Afghanistan, North Korea, at Pakistan.
Ang susunod po, we ranked 3rd most dangerous country in the world for
journalists, trailing behind Iraq and Somalia.
138,000 policemen ang mayroon po tayo, with a ratio of 1:743. Ang
ideal ratio po sa ating PNP law is 1:500. Kulang po tayo ng sisenta
mil. 60,000 policemen po ang kulang natin.
Our police force, 25% po ang walang baril. 3,781 po ang naka-assign sa
mga posisyon na investigative positions na dapat mag-imbestiga. Alam
po ba natin 24% lang o 908 lang ang may formal training sa
imbestigasyon, partly explaining the low success rate in solving
crimes.
Mr. President, ang atin pong pulis ay isa sa pinakamasipag sa buong
mundo. Let’s not look at the few rotten eggs, let’s look at the whole
PNP.
Ang problema, kulang sa gamit, kulang sa sweldo, sinasakripisyo o
inihahandog ang kanilang buhay, but do they have the support? What’s
our plan for them, Mr. President? Ano po ang vision? Again, Mr.
President, do we know where we’re going to?
Despite the statistics in peace and order, we know we’re a peaceful
country, and we know we are champions when it comes to hospitality.
Ngayon, Mr. President, tingnan din po natin mamaya ang turismo, pero
tingnan muna natin ang employment.
As of January of this year, 7.4% po ang unemployed. This translates to
2.91 million Filipinos of working age who are without jobs. 63% are
male and the rest are female. Almost half of the unemployed are from
the age of 15 to 24. 40% of those unemployed reached college. 35% are
high school graduates. Hindi po kasama dito ang 8.5 to 10 million na
walang trabahong makuha sa Pilipinas kaya nasa abroad.
But Mr. President, sa isang ciudad sa Maynila, nagkaroon kami ng SWS
survey. Sa SWS survey po na iyon nakita po namin nung tinanong nang
diretsahan ang ating mga kababayan,“Ilan sa inyo ang walang trabaho?”
50% ho. Isa sa dalawa. Singkwenta porsiento ang walang trabaho. Bakit
po ang layo ng statistics natin?
Kasi po sa definition po ng “unemployment.” It’s a technical term. It
includes all persons who are 15 years old and over as of their last
birthday and are reported as being without work (walang trabaho), are
currently available for work, (maaring magtrabaho) and are seeking
work (naghahanap ng trabaho) , or not seeking work (hindi naghahanap
ng trabaho dahil sa mga kadahilang) due to reasons like being tired or
believing that there no work available, like the discouraged workers
who looked for work within the last six months prior to the interview
date; awaiting results of previous job applications; temporary illness
or disability; bad weather; and lastly, are waiting to get rehired or
recalled.
Meaning Mr. President, ang unemployment rate ay hindi simpleng tanong
kung may trabaho ka ba o hindi.
So if they’re not looking for work, if you’re waiting for your job
application or if you’re working a few hours a week, you’re not
considered unemployed. But to my estimate Mr. President, at least 30%
of our people do not have work.
Ang hindi po naniniwala sa statistics ko mag-house to house po kayo at
magkaroon kayo ng mga caucus o ng mga rally sa inyong bayan-bayan.
Ipataas n’yo po ang kamay kung sino po ang walang trabaho at makikita
n’yo. The mere fact nga na maraming nag-a-attend ng mga caucus kahit
tanghali man o umaga o hapon, doon palang ay makikitang walang trabaho
ang mga ito.
Again Mr. President, do we know where we’re going to? Ano po ang
programa natin para magkatrabaho ang ating mga kababayan?
Sa world investment report Mr. President, tingnan po natin ang
sinasabi po ng ating maraming ekonomista na importante ang tinatawag
na foreign direct investment o ang pag-i-invest po sa atin o pagdadala
ng capital.
Ang Thailand po $127 million sa 2011 report. Ang Indonesia po $121
million. Ang Malaysia po $101 million. Ang Pilipinas po $24.89
million. Bakit po ¼? Bakit po 1/4 lang po ang nakukuha ng ating bansa?
Malalaki din naman ang problema ng Thailand, Indonesia, Malaysia.
Marami din naman po silang pagsubok pero bakit po times 4, times 5 po
ang nakukuha nila sa atin?
Again Mr. President, do we know where we’re going to?
Sa imprastraktura na isa sa mga complaints ng mga negosyante kung
bakit hindi dumadating ang puhunan sa ating bansa – out of 139
countries po, 3rd ang Singapore, 27th ang Malaysia, 46th ang Thailand,
113th po ang Pilipinas. Again ang Vietnam na kung ilang dekada ay may
gera sa kanila, humahabol na at 123rd place na ho sila.
Do we know where we’re going to, Mr. President?
Ang ating
OFWs naman po Mr. President, unang-una po ay pangatlo tayo
sa buong mundo sa dami ng OFWs o migrant worker—almost 10% of our
population. Wala halos pamilya na walang kamag-anak na nasa abroad at
nagtatrabaho.
There is an estimated 2.56 million OFW families or roughly 14% of the
18.77 million Filipino families. Kita naman po natin kung bakit
self-rated poverty among OFW families are lower—33% lang compared to
51% pag hindi po OFW ang isang kasama nila o kapamilya.
Ang remittances po ng OFWs natin $18.8 billion o 846 billion Pesos or
about 10% of our gross domestic product (GDP). Mr. President, pauuwiin
ba natin sila? Policy ba natin na ipadala ang best and the brightest
abroad? Ano po ang policy? Ano po ang plano natin sa ating OFWs?
Meron pong isang study na nagsasabing marami sa pamilya ng OFWs ang
walang trabaho at hinihintay lang ‘yung pera kasi hindi makakuha dito
ng oportunidad na magtrabaho. Ano po ang vision natin para sa OFWs at
kanilang pamilya? Tinuturuan ba silang mag-negosyo? Pinag-aaral ba
sila? Hinahanda ba sila?
Napakaraming umaalis na ang sinasabi, “Anak, isa, dalawa, tatlong taon
lang ako. Pag may puhunan na tayo, mag-ne-negosyo tayo. Hanggang
ngayon po karamihan ng OFWs tatlo ang negosyo—tricycle, jeepney,
sari-sari store pero karamihan po pumuputi na ang buhok sa abroad.
Again Mr. President, do we know where we’re going to? Do you know
where you’re going to, Mr. President?
Sa
turismo naman Mr. President, ang dami pong studies na nagsasabi
pinakamadaling magkatrabaho sa sector ng tourism. The quickest way to
generate more jobs is through tourism.
We all know 7,107 islands napakaganda. Almost everywhere you go in the
Philippines, the beauty of nature can be seen. God has blessed us with
natural resources, with the beauty of the Philippines, and with its
historical sites.
Pero out of 26 countries, pang-labingwalo po tayo. Vietnam is 14th.
Indonesia is 13th. Thailand is 10th. Malaysia is 7th and Singapore is
number 1. Pati po pagdating ng turismo mas maganda tayo sa ibang mga
bansa pero number 18 tayo out of 26. On the global scale, sa 139
countries, 94 po tayo.
Again Mr. President, do you know where you’re going to? We need Mr.
President, a clear understanding of our past.
Mr. President, we both know na ang taong hindi marunong lumingon sa
kanyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kanyang paroroonan.
What happened in the recent past? Hello Garci—election fraud,
Fertilizer Scam, Swine Scam, NBN-ZTE, use and abuse of the PCSO funds
which we’re now looking into (through Sen. Guingona’s leadership in
the Blue Ribbon Committee) the PAGCOR Funds and PNP helicopter
overpricing.
Mr. President, wala pa hong nangyayari dito. ‘Yung perjury po,
obstruction of justice, false accusations eh mani lang sa iba o
baliwala. Parang hindi po ito krimen.
If we look at our past, if we want to repeat our past, and if we want
history to keep repeating itself, let’s forget these.
But if we do remember it and finally put a closure to all of this,
imbestigahan nang mabuti, kasuhan na ang dapat kasuhan, we can achieve
what we want to achieve as a country.
Mr. President, let’s listen to the businessmen. For the last
generation, for 40 years, pare-pareho po ang problemang sinasabi po sa
atin.
Ang problema pong sinasabi sa atin ay iyon pong most problematic
factors for doing business in the Philippines, number 1 corruption.
Number 2, inefficient government bureaucracy. Number 3, inadequate
supply of infrastructure. Number 4, policy instability, Number 5, tax
regulation, at ‘yung iba sinasabi ‘yung presyo naman ng kuryente.
Paulit-ulit na lang po ito Mr. President. 40 years. Hindi tayo
nakikinig. We don’t look at the past that’s why we keep repeating
history and our mistakes.
Mr. President, sa Pilipinas po bawal magnakaw nang konti. Pag konti
ninakaw, nakukulong. Pag napakalaki ang ninakaw, nagiging
makapangyarihan, may pang-areglo at na-a-abswelto.
Again Mr. President, let’s learn our lessons so that we can be a
successful nation.
Mr. President, not everything in the past is bad. Sabi nga po, there’s
the good and the bad in our past. In fact, we should also see the
things that we are doing well. Let’s not forget our partners.
Halimbawa po, sa
housing, hindi ba po, ang NGOs katulad po ng habitat
for humanity, katulad po ng Gawad Kalinga, ay napakadaming bahay na
itinayo all over the country?
Pero siguro po, nagtatanong din sila, nagtatanong din lahat, pagdating
sa housing, do we know where we’re going to? Ano ang plano? Ilan ang
kulang? I’m sure that there is a program. I’m sure everyone’s doing a
good job. Ang question lang po, nako-communicate ba? Alam ba natin
kung ano ito?
Mr. President, sa
LGUs, paborito ko pong pakinggan kay Presidente Erap
noong araw ‘yung palagi niyang sinasabing “ang mahirap lalong
humihirap at ang mayaman, lalong yumayaman”. Hindi lang po sa tao
‘yon. Pati po sa local government units na partner dapat ng national
government.
Bakit po? Ang mayayamang siyudad, habang palaki nang palaki ng IRA,
palaki nang palaki din ang real property tax. Dahil marami po na mga
gusali na tinatayo. At sa mga gusali na ito, mayroong negosyo. Kaya
ang mga business tax, pumapasok din.
Sa mga mahihirap po na LGU, maliit ang IRA, pareho lang sa dati at
hindi pa rin sapat. Ang problema po, wala silang real property tax
dahil wala po masyadong mga gusali doon. Wala po silang ita-tax. Wala
rin mga negosyo.
Kaya ang mga LGUs po na mayayaman, lalong yumayaman, ang mga LGUs po
na mahihirap, lalong humihirap even if in principle, they are partners
of the national government.
There are so many great LGUs. For example po, ‘yung programa po sa
health – yellow card sa Makati na ipinagyayabang ito sa buong bansa.
There are a lot of great innovations in the local government in which
the national government failed and the local government succeeded.
In the city of Taguig po, ang uniporme po, idinedeliver sa bata –
libre at tahi na po. Libre lahat ng notebooks, libre po ang lapis,
ballpen, etc.
Sa Naga City, kung narito ang Secretary ng DILG, ‘yung mga innovations
na ginawa nila doon ay napakaganda. We can go on and on.
Si Speaker Belmonte po, noong mayor siya ng Quezon City, ang daming
success ng LGU.
But have we learned from them and are we helping them?
Mga
religious groups po and our people as a whole, have we learned
from the past and are we communicating with them? Are we harnessing
their support, Mr. President?
Mr. President, madalas po nating pakinggan mula sa inyo na mayroon
namang vision pero hindi po sapat na sinasabi lamang na mayroon. Alam
ko po after the second SONA it became clearer, we had private talks
with the President in signing deals, naging malinaw sa akin ang
vision. But in the whole country, all Filipinos should have a sense of
a perfect vision—of the vision of what the President wants our country
to be.
20-20 po, perfect vision. Hindi pwedeng malabo. Kailangan malinaw.
Bakit? Kasi kahit nakasakay ka sa bus, sa tuwid na daan, hindi mo
naman alam kung saan pupunta, magiging komportable ka ba? Sasakay ka
ba? Mayroon bang sumasakay sa jeep o tricycle,o kahit sa LRT, na hindi
naman alam kung saan pupunta?
Mr. President,
it is our duty to clarify what our vision is. After the
vision, Mr. President, kailangan po ng roadmap, ng plano, ng
blueprint.
Bakit po?
Because a vision without a roadmap is like a dream without
an action plan. Ang panaginip ay mananatiling panaginip, o magiging
pangarap lang, kung wala tayong plano.
Clear plans, blueprints, or roadmaps of how we intend to achieve our
vision – these are what we need.
Mr. President, ang isang biyahe, o ang journey na walang roadmap, is
like an excursion without a destination. Walang nagyayaya na
mag-escursion muna tayo kung hindi naman nasasabi kung saan pupunta.
Mr. President, do you know where we’re going to?
Mr. President,
we also need a higher standard of performance and a
system of feedback and monitoring.
I’ve noticed, we keep comparing ourselves with the administration of
Gloria Macapagal-Arroyo. In so far as showing na may wang-wang sila,
tayo wala, nag-agree din ang gobyerno nila na sa atin mas malinis, ok
po ‘yon. To show na abusive ‘yung isa at atin hindi, maganda po ‘yon.
Pero kung ikaw ay isang estudyante, hindi mo naman ikukumpara ang
sarili mo sa isang bagsak na estudyante. Kung may kaklase ka na bagsak,
hindi ‘yon ang dapat na comparison. Huwag natin i-compare. Sinabi nga
natin na failure ang administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo, kaya
nga po nahalal ang mahal na Pangulo at ang mga kasama niya.
Let’s have a higher standard. Ano ang dapat natin na standard? Ang
standard dapat ng estudyante, ‘yung valedictorian. At kung
valedictorian ka na, ang dapat na maging standard mo, yung
valedictorian ng mas malaki at mas magaling na eswelahan. At kapag
ikaw na ang pinakamagaling na eskwelahan sa inyong bayan, dapat
ikumpara mo ang sarili mo sa eskwelahan sa inyong probinsya. Kapag
ikaw na ang pinakamagaling sa iyong probinsya, regional na. kapag
regional na, sa pinakamagaling naman sa buong Pilipinas. After that,
intenationally na ang point of comparison.
That’s why I keep comparing our country to Singapore, Thailand,
Indonesia, Malaysia. We have to compare ourselves with them, so we can
strive to do better. Again, Mr. President, do you know where you’re
going to?
Mr. President,
we need an organized, pragmatic, and systematic way of
fighting graft and corruption.
Mr. President, how are we preventing the officials and employees of
the present administration form committing the same mistakes, if
government transactions are being operated under the same cloak of
secrecy and impunity?
Mr. President, ako’y naniniwala na malinis ang iyong administrasyon.
Ako’y naniniwala na hindi ninyo ipapahiya, or that you will uphold the
legacy of your great parents, Senator Benigno Aquino and the late
president Cory Aquino. Ako’y naniniwala na malinis ang Aquino family.
But that doesn’t mean that every single person in your administration
is like you. Hindi ibig sabihin na lahat ng sinama mo sa inyong
gobyerno ay malinis. Kaya nga ipinasa ang GOCC law. Kung malinis lahat
at hindi humihingi ng mataas na allowance, eh ‘di sana hindi na
kailangan ng batas na ganyan.
Hindi din naman tamang sabihin na lahat ng corrupt ay nasa dating
administrasyon. Dahil marami sa mga nakasama mo na lumaban sa dating
administrasyon ay nasa oposisyon ngayon, pero marami sa mga sumuporta
sa dating oposisyon ay kasama rin sa administrasyon na ito.
What I am saying, Mr. President, is
let’s have institutional reforms. Baguhin natin ang batas that hinder all of this—the fight against
graft and corruption.
For example, Mr. President,
this is the best time to pass the Freedom
of Information Act Bill. The FOI law will help us fight to uncover
past mistakes and strike fear among the incumbent officials that they
will not commit the same graft and corruption.
Mr. President, kapag ipinasa ang FOI, ‘yung pong kape ng PAGCOR, kung
ano man ang totoo doon, ‘yung fertilizer scam, ZTE, lahat po ‘yan
malalaman natin. Every citizen will now become a graft buster.
Ngayon po, miyembro ka na ng media, senador ka na, congressman, hindi
ka pa makakuha ng impormasyon. But with the FoI, we can do that
better.
Mr. President, ang sabi ng Pangulo, kung walang corrupt, walang
mahirap. Mawawalan po ng corrupt kung sila’y kakasuhan at kung sila’y
ikukulong.
Second, Mr. President,
lahat ng public officials po ay exempted dapat
sa Bank Secrecy Law. Noong araw, sa aparador o sa ilalim ng kama ay
pwedeng itago ang pera. Pero ngayon po, kailangan mo ng financial
vehicles. Bank accounts are one of these.
Kapag may hearing po tayo dito, tinatanong natin palagi, “are you
willing to open up your bank account?” Tinanong po natin ‘yan sa kaso
ni Gen. Garcia. Tinanong po natin ‘yan doon sa PCSO. Pero paano naman
ang mga incumbent officials ngayon?
Hindi ba maaaring sabihin ng Pangulo, habang ipinapasa pa ng kongreso
ang bill ni Sen. Lacson, na nagsasabing exempted tayo sa bank secrecy
law, lahat ng public officials ay mayroong ahensya na pwedeng tingnan
ito, hindi naman sinasabi na pwedeng i-publish ang bank accounts mo,
pwede lang tingnan o silipin ng tamang ahensya o organisasyon na
nagbabantay sa atin.
Hindi ba maaaring sabihin ng Pangulo na kung ayaw ninyo, huwag kayong
magpa-appoint? At ‘yung ayaw, magresign kayo?
This is to protect our public from public officials who are fattening
their bank accounts.
Mr. President, ang sabi po ng inyong spokesman sa suggestion na ito,
hintayin na lamang natin na pumasa ‘yung batas. Paano kung hindi natin
maipasa ang batas? Kung ayaw ng kongreso na payagang buksan ang mga
bank accounts?
Mr. President, kung walang kinurakot, wala dapat ikatakot.
Walang dapat ikatakot kung walang laman ang bank account na kinurakot.
Kung ang laman ay galing sa tama lang.
Lastly, Mr. President,
katawa-tawa na ang batas natin sa false
testimony, sa perjury, sa obstruction of justice. Kaya si Commissioner
Garcillano, siya pa ang mayabang. Siya pa ang nagsasabi na walang
dayaan at hina-harrass lang daw siya.
Let’s start punishing people who lie under oath. Who come to the
senate or the house or go to the DOJ, or go to the police or the NBI
and lie during investigation. Kung kailangan na palitan natin ang
batas, palitan natin ang batas.
Iyon po ang ginawa ni Lee Kuan Yew sa Singapore. Sabi nila, kahit
magaling ang mga opisyal, may problema naman sa batas. Kaya pinalitan
ang mga batas para mas madali ang mga presumptions. Para mas madali
ang mga ebidensya. Kapag may nakitang unexplained wealth, isa na ito
sa mga ebidensya na magpapakulong sa mga public officials. Kaya sa
unang mga taon nila, pati mga secretaries, napakulong nila.
Mr. President, as a people and as a nation, we need to be united in
purpose and direction to do all this with the aid of the Almighty.
I know, Mr. President, it’s lonely at the top. Alam ko po kung gaano
kayo kagaling makisama, kung gaano po kayo kasaya kasama bilang
congressman at senador. Alam kong team player kayo. Ngunit ngayon,
maraming negative, maraming kritisismo.
We know that you are trying your best but Mr. President show us that
vision. Communicate to us that roadmap and you will be able to unite
the nation. We cannot move into the heights we want to move into, we
cannot do what we want unless there is unity in purpose.
Mr. President, alam po namin ang gusto mong gawin. Let us take comfort
in Mark 3:24-25 in the Holy Bible which says “And if a kingdom is
divided against itself, the kingdom cannot stand. And if a house be
divided against itself ,that house cannot stand.”
Hindi po tayo pwedeng maging divided, dapat magbigkis-bigkis tayo. Of
course, you cannot please everyone. But ang sinasabi ko po huwag
maging puro pulitika, huwag maging puro partido, huwag magbigay ng
kung anu-anong dahilan kung bakit nagkakahiwahiwalay.
Okay lang kung magkakahiwalay ang lahat ng corrupt versus lahat ng
hindi corrupt. Pero otherwise Mr. President, we need a sense of unity
and I ask you to unite our people.
Mr. President just as a symbolic gesture, these next few graphs. Alam
natin ngayon 14% lang ang graduates. I know what you want. Gusto ng
Presidente Aquino by 2013 kalahati ng Pilipinas ay graduate na, 2016
three fourths at gusto niya by 2020 lahat ng gustong makapagaral ay
pwedeng grumaduate ng college kung may oportunidad.
We know Mr. President pag dating sa employment, yung 30% na walang
trabaho, 20% na sa 2013 at gusto niyo by 2016 karamihan may trabaho at
pagdating ng 2020 lahat ng gustong magkatrabaho ay pwedeng
magkatrabaho.
Mr. President we know na pagdating sa ospital, health center, mga
laboratories, lahat ng facilities, gusto niyo by 2013 dumami ito. 2016
majority ay mayroon nang facilties at pagdating ng 2020 kahit saan ka
pumunta sa Pilipinas ay may nakalaan na facilities para sa bawat
Pilipino.
Mr. President, alam po namin na pagdating sa korupsyon, nais ninyo na
bawat bahagi ng ating bansa by 2013 makikita na ang pagkakaiba at
maraming graft and corruption ang mawawala. By 2016 mas malaking
bahagi na ng ating bansa at mga ahensiya ng gobyerno , business sector
at private sector na ang corruption ay mawala. By 2020, we would have
either eradicated or lessened to a great extent graft and corruption
in the country.
Mr. President, noong election po hindi maiwasan na iba-iba ang kulay
natin. Mayroong dilaw, may orange, may green. Ang tao kailangan mamili
at pinili po ang dilaw. And I believe in God’s wisdom that the
Filipino people made the best choice.
Pero ngayon hindi na po dilaw, presidente na po kayo. It’s time to
transform away from yellow for us to carry the colors of the whole
nation: red, blue, white and yellow.
We need a symbol that will unite us, the Philippine flag and our
archipelago. 7,107 islands, 100 million Filipinos – one President, one
vision, one dream – united in one thing: to achieve a better Pilipinas.
Mr. President, you have our support. Show us the vision, provide us
with a roadmap and makikita niyo po na kayang magkaisa ng mga
Pilipino.
God bless you. God bless the Senate. God bless the Philippines.
Maraming maraming salamat po.